Copy Trading Program

IMPORMASYON PARA SA MGA SASALI SA ATING COPY TRADING PROGRAM

 

Makikita sa ibaba ang “GAIN CHART” (LIVE ito) as verified by MyFxBook. Ito ang account na ginagamit ko para sa Copy Trading Program. Ibig sabihin, kapag nag trade ako sa account na ito ay “Automatic” na kokopya ang lahat ng mga accounts na kasali sa Copy Trading Program.

Sa kasalukuyan, ito ay “Profitable” o kumikita sa kasalukuyan. Subalit hindi ito 100% na garantiya na kapag ikaw ay sasali eh patuloy kang kikita.

Walang 100% na garantiya na ikaw ay kikita sa negosyo ng Forex Trading. Wala ding 100% na garantiya na hindi “masusunog” o matatalo ang lahat ng pera na ipupuhunan mo dito.

Ito ay sa kadahilanang wala naman talagang makakapagsabi kung ano ang magiging kahihinatnan ng bawat trading.

Walang makakapagsabi ng magiging takbo ng kasalukuyang palitan ng salapi sa Forex Market kung ito ba ay patuloy na tataas o patuloy na bababa kaya ang lahat ng ginagawa ko ay pawang “Speculations” lamang.

Kaya mariin kong ipinapayo na kung ikaw ay hindi mapipigilang sumali sa ating Copy Trading Program ay mangyari lang na gumamit ng puhunan na handa mong ipatalo anumang oras.

Inuulit ko! mangyari lang na gumamit ng puhunan na handa mong ipatalo anumang oras na hindi sasama ang loob mo.

Wag kang gumamit ng puhunan na inutang mo lang lalo ng huwag kang gagamit ng puhunan na hindi mo kayang ipatalo anumang oras dahil malaki ang posibilidad na pedeng matalo at maubos ang lahat ng iyong ipinuhunan kung sakaling hindi pumabor ang aking trades sa kasalukuyang direksyon ng palitan ng salapi sa Forex Market.

and please lang, walang refund kung ikaw ay nakapag bigay na na ng paunang bayad para sa pag setup ng account for copy trading at biglang magbago ang isip mo. Walang refund Ok?

Ngayon, kung ikaw talaga ay hindi mapipigilan na sumali sa ating Copy Trading Program eh mangyari lang na ihanda ang mga sumusunod:

1 – FxPro MT4 Instant Trading Real Account na may 1:500 na Leverage

  • Una sa lahat, kailangan ay meron kang FxPro MT4 Instant Trading Real Account na may 1:500 na Leverage. Kung wala kapa nito ay mangyari lamang na gumawa ng libreng FxPro profile gamit ang link sa ibaba:

   I-CLICK ITO PARA MAKAGAWA NG LIBRENG FXPRO ACCOUNT

  • Mag rehistro sa nasabing link sa itaas at pagkatapos ay mag login para makagawa ng MT4 Instant Trading Real Account na may 1:500 na Leverage
  • Mahalaga na “Instant” ang type ng MT4 account na bubuksan mo at mahalaga din na 1:500 ang leverage ng account.
  • Kung “First-Time” mong magrerehistro para makagawa ng profile sa FxPro ay hahanapan ka ng mga dokumento para ang account mo ay maging “Approved” at payagan kang magsagawa ng “Live Trading” kaya para ma approve ang iyong account, ihanda ang mga sumusunod:
    • PROOF OF IDENTITY

      • Bilang “Proof Of Identity” o katunayan ng pagkakakilanlan, kailangan mong mag submit ng kopya ng iyong Passport (kung meron ka). Kung wala kang passport eh pede naman ang “Driver’s Licence (kung meron ka). Kung wala kang passport o Drivers license eh pede mong isabmit ang iyong UMID (Unified Multi-Purpose ID) kung meron ka. Isa lang sa tatlong dokumento ang pede mong isabmit bilang katunayan ng pagkakakilanlan mo o “Proof Of Identity”.
      • Kung wala ka ni isa man sa mga nabanggit ko eh gumawa ka ng paraan para magkaroon ka ng kahit isa lang dahil ito lang ang dokumento na tinatanggap ng FxPro sa kasalukuyan bilang katunayan ng pagkakakilanlan mo o “Proof Of Identity”.
    • PROOF OF RESIDENCE

      • Bilang “Proof Of Residence” o katunayan na ikaw ay may permanenteng tirahan, kailangan mong mag submit ng kopya ng “Proof Of Billing”. Kung meron kang Meralco Bill o di kaya ay Maynilad Bill o PLDT bill o kahit anong kilalang Bill na nakapangalan sayo eh pede mo itong isabmit as “Proof Of Residence”.
      • Kung wala kang maipapakitang “Proof Of Billing” dahil hindi sayo nakapangalan ang Kuryente o Tubig at ikaw ay nakikitira lang o nangungupahan lamang eh maaari mong ipakita as “Proof Of Residence” ang iyong “Bank Statement”. Makikita kasi sa “First-Page” ng “Bank Statement” ang iyong buong pangalan at tirahan. Kung wala ka pang “Bank Statement” eh kailangan mong magbukas ng bank account sa mga kilalang banko para magkaroon ka nito dahil isa lang sa mga nabanggit ko (“Proof Of Billing” o “Bank Statement”) ang pwede mong isabmit as “Proof Of Residence”.
  • Kapag may “Approved” profile kana sa FxPro at kapag nakapag open kana ng MT4 Instant Trading Real Account na may 1:500 na Leverage ay kailangan mong ibigay sa akin ang mga sumusunod:
    • FXPRO MT4 INSTANT LOGIN
    • FXPRO MT4 INSTANT PASSWORD
    • FXPRO MT4 INSTANT SERVER
  • Malalaman mo ang mga detalyeng ito sa iyong email dahil ipapadala ng FxPro ang mga detalyeng ito sa iyong registered email address pagkatapos mong gumawa ng account sa kanila.

2 – FxBlue “Verified” Account

  • Ang pangalawang kailangan ay ang pagkakaroon mo ng “Verified” FxBlue account. Walang bayad ang paggawa ng account FxBlue pero kailangan ay meron kang account dito dahil kakailanganin kong kunin ang iyong “Username” at “Password” para magamit ang kanilang libreng pasilidad na mag uugnay sa account mo at sa account ko para sa proseso ng pag kopya.

   I-CLICK ITO PARA MAKAGAWA NG LIBRENG FXBLUE ACCOUNT

  • Paunawa bago ka gumawa ng account sa FxBlue. Medyo nakakalito ang proseso ng paggawa ng account sa website nila pero dahil ang kailangan lang naman ay magkaroon ka ng account kaya piliin mo ang “You can also register with FX Blue Live without uploading your trading history” tulad ng sa screenshot na nakikita mo sa ibaba:

  • Tandaan, ang kailangan ko lang ay ang “Username” at “Password” mo para maka login ako sa account mo sa FxBlue kaya wala kana dapat pang gagawin sa website nila pagkatapos mong gumawa ng account.
  • Wag mo din kakaligtaan na i-verify ang iyong account dahil hindi ko magagamit ang pasilidad nila kapag hindi verified ang iyong account.
  • Kapag may “Verified” account kana sa FxBlue ay kailangan mong ibigay sa akin ang mga sumusunod:
    • FXBLUE USERNAME
    • FFXBLUE PASSWORD

3 – AWS “Verified” Account

  • Ang pangatlong kailangan para masetup ang iyong account for Copy Trading ay ang pagkakaroon mo ng AWS “Phone Verified” at “Card Verified” Account. Libre lang din ang paggawa ng account sa AWS at kailangan ko lang ang iyong email adddress

   I-CLICK ITO PARA MAKAGAWA NG LIBRENG AWS ACCOUNT

  • Mahalagang sundan mong mabuti at basahing mabuti ang proseso ng pagrehistro sa AWS dahil may kahigpitan sila sa proseso.
  • Kailangan mong dumaan sa ‘Phone Verification” process at “Card Verification” process para maging “Verified” ang iyong AWS account.
  • Kahit naman may kahigpitan sila sa proseso ng pag rehistro eh madali lang naman itong gawin kung ikaw ay may teleponong handang gamitin para sa ‘Phone Verification” process at meron kang Credit Card na handang gamitin para sa “Card Verification” process.
  • Kung wala kang Credit Card ay pede kang gumawa ng “GCash” account gamit ang iyong Mobile Phone. I-download mo lang ang “GCash” App ng Globe sa iyong Android or iOS Smartphone phone at sundan ang proseso hanggang sa magkaroon ka ng “GCash” account para magamit mo ang “American Express Virtual Card” ng GCash para sa “Card Verification” process.
  • Kapag may “Verified” account kana sa AWS ay kailangan mong ibigay sa akin ang mga sumusunod:
    • AWS EMAIL
    • AWS PASSWORD

Sa kabuuan, inuulit ko ang mga kailangan ko na nabanggit ko na sa itaas ang buong detalye:

YOUR FXPRO MT4 INSTANT LOGIN:
YOUR FXPRO MT4 INSTANT PASSWORD:
YOUR FXPRO MT4 INSTANT SERVER:

YOUR FXBLUE USERNAME:
YOUR FXBLUE PASSWORD:

YOUR AWS EMAIL:
YOUR AWS PASSWORD:

Kailangan mo itong ibigay sa akin para masimulan ko ang pag setup ng account mo para sa Copy Trading Program.

Panghuli at pinaka importante sa lahat – BAYAD SA PAG SETUP NG ACCOUNT

Kailangan mo munang magpadala ng 5,000 pesos sa aking Metrobank account bago ko simulan ang pag setup ng account mo for Copy Trading. Tanging sa Metrobank lamang ang pagbabayad at tanging “Account Number” ko lang ang ibibigay ko sayo kaya basahing mabuti sundin ang mga sumusunod:

  • Kung wala ka pang Metrobank account eh kailangan mong mag open ng ATM/Debitcard Saving Account sa pinakamalapit na Metrobank branch sa iyong lugar.
  • Kapag may account kana sa Metrobank ay i-download mo ang “Metrobank Mobile Banking App” sa iyong Android or iOS Smartphone phone at sundan ang proseso hanggang sa marehistro mo ang iyong Metrobank account sa “App”.

  • Kapag naka registered na ang iyong Metrobank account sa “App” ay mag login ka at kapag naka login kana, mag punta ka sa “Menu” at under “My Peers”, i-add mo ako as your “Peer” katulad ng sa screenshot na nakikita mo sa ibaba.

  • Hindi na mahalaga ang “Name”. Lagyan mo ng kahit anong pangalan na matatandaan mo. Ang importante lang ay tama ang 13-Digit Account Number at ang gamitin mo ang number na nakikita mo sa screenshot sa itaas dahil yan ang account number na itinalaga ko para sa Copy Trading Program.
  • Mahalagang i-add mo ako as your “Peer” dahil ito din ang gagamitin mo sa pagpapadala mo ng “parte” ko o ng “Share” ko sakaling kumita na ang iyong account na naka “Copy Trade” sa akin.
  • TANDAAN: Kung hindi mo ito magagawa ay hindi ka makakasali sa ating Copy Trading Program dahil ITO LANG ANG PARAAN.

ANG SISTEMA NG HATIAN O PARTEHAN

Ganito ang sistema. Bukod sa minimum $100 na pang capital mo sa iyong trading account, may one-time payment na 5k pesos para sa pag setup ng account mo for copy trading and payable thru Metrobank only. Nabanggit ko na ito sa itaas.

At kapag nag profit na ang account mo ng minimum $100 or more after the last trade, hahatiin na agad natin ito and 50/50 tayo sa kita. After mahati, start ulit tayo using your new equity.

Bahala ka kung gusto mo bang dagdagan or gusto mo bang bawasan ang new equity mo basta after ng hatian natin eh reset ulit tayo para sa bagong equity na naman tayo magbabase ng paghahatian for the next trades. Ganun lang.

Halimbawa:

  • Namuhunan ka ng $100 USD at pagkalipas ng ilang araw (o ilang linggo o ilang buwan) eh naging $230.50 USD na ito. So dahil lagpas na sa $100 ang kita at may kita ng $130.50 eh hahatiin na natin ito. $65.25 USD ang sa iyo at $65.25 USD naman ang akin. Hating kapatid tayo. Bahala ka kung gusto mo bang idagdag ang $65.25 USD sa iyong panibagong puhunan pero kailangan mong ipadala agad ang $65.25 USD na parte ko sa aking Metrobank account sa loob ng 24 oras.
  • TANDAAN: Gagawin lang natin ang hatian kapag kumita na ng $100 USD o higit pa ang iyong account at walang kasalukuyang positions na naka open.
  • Kapag lumipas ang 24 oras at hindi ko natanggap ang aking parte ay pansamantalang madi-disable muna ang iyong account at pansamantala muna itong hindi makaka kopya sa mga susunod kong mga trades.
  • Makaka kopya lang ulit ang iyong account kapag natanggap ko na ang aking parte. Pede mo din hindi na ibigay sa akin ang aking parte kung may balak kang “onsehin” ako. Nasa sa iyo iyon dahil hawak mo naman ang iyong pera kaya magagawa mo iyon kung gugustuhin mo. Anyway, hindi naman ako ang talo dito at kung “Long-Term” ang tingin mo sa negosyong ito, hindi mo ito gagawin.

 

IMPORMASYON KUNG IKAW AY FIRST TIMER NA MAG WITHDRAW SA FXPRO

Kapag First-Time kang mag wiwithdraw sa FxPro ay bibilang ng ilang araw o di kaya ay aabutin ng ilang linggo (depende sa deposit method na ginamit mo nung ikaw ay last na nag deposit sa iyong FxPro vault (FxProWallet) bago mo matanggap ang perang winithdraw mo. Normal ito sa mga First-Timer na nag wiwithdraw. Subalit kapag regular kanang nag wiwithdraw eh matagal na ang tatlong araw (3) na hihintayin mo bago dumating sa iyong bangko ang perang winithdraw mo dahil regular na nga ang proseso ng pagwiwithdraw mo.

At dahil nabanggit ko nga na kailangan mong ipadala ang parte ko sa aking Metrobank account sa loob ng 24 oras sa tuwing may kita na ang account mo ng mahigit sa $100 at walang naka open na position ang account mo. Ibig sabihin nito ay kailangan mo munang “Abonohan” ang parte ko.

Kung wala kang pang abono at kakailanganin mo munang mag withdraw ng pera mula FxPro pabalik sa iyong account eh bibilang ito ng araw o linggo depende sa “Deposit Options” na ginamit mo at hindi na kita mahihintay pa dahil hindi lang naman ikaw ang naka copy trading sa akin kaya para hindi kami maabala eh pansamantala ko munang idi-disable ang account mo at pansamantala ka munang hindi makaka kopya sa akin hanggang sa dumating ang withdrawals mo at hanggang sa maipadala mo sakin ang parte ko.

Kung ayaw mong mag abono sa tuwing kikita ang account mo at sa tuwing magpapartehan tayo eh ang pinakamabilis na paraan ay ang paggamit ng PayPal account para sa pag deposit. Kung wala kang Paypal account ay kailangan mo munang gumawa ng ‘Personal PayPal Account”.

   I-CLICK ITO PARA MAKAGAWA NG LIBRENG PAYPAL ACCOUNT

May dalawang klaseng account na pede gawin sa PayPal. Isang Personal PayPal account at isang Business Paypal account. Personal Paypal account ang dapat mong piliin sa paggawa ng account dahil ito lang ang tinatanggap ng FxPro para makapag deposit ka gamit ang PayPal papunta sa iyong FxPro Vault (FxPro Wallet).

Kapag may PayPal account kana, kailangan mong lagyan ng laman ito. kailangan may laman ang iyong PayPal account para magamit sa pag deposit. Kapag walang laman ang PayPal account mo ay papayagan ka parin naman na mag deposit using PayPal kung may naka “Add” kang Card sa iyong Paypal account. pero tandaan mo na kapag ito ang ginamit mong deposit at kailangan mo ng mag withdraw later mula sa FxPro pabalik sa iyong PayPal account eh dadaan lang din ito sa PayPal at babalik ito sa iyong Card na naka “Add” sa iyong PayPal. Sa madaling salita eh bibilang ulit ng araw o linggo depende sa Card o Bank account na naka “Add” sa iyong PayPal account.

Kaya mainam na may laman ang iyong Paypal account (PayPal Balance) para kung sakaling mag withdraw ka later mula sa FxPro pabalik sa iyong PayPal account eh minuto lang ang bibilangin mo at makikita mo na sa iyong PayPal Balance ang perang winithdraw mo mula sa FxPro. Hindi ka mag aabono dahil pede mong ipadala sa aking PayPal account ang parte ko at hindi ito aabot ng mahigit sa 24 oras mula ng pag withdraw mo from FxPro to your PayPal account and from your PayPal account to my PayPal account. Hindi ka mag aabono at hindi pansamantalang madidisable ang account mo.

ANG OBLIGASYON NATIN

Kung ikaw ay sasali sa ating Copy Trading Program, tandaan mo na tayo ay “Partners” sa negosyong ito. At bilang magkasama sa negosyo, narito ang mga obligasyon natin.

ANG OBLIGASYON KO

Ang obligasyon ko ay kumita tayo sa bawat pag trade ko. Layunin ko ang kumita tayo kaya makakaasa ka na gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang tayo ay kumita. Subalit ipinapauna ko na sayo na walang 100% na garantiya sa ating negosyo. Kahit obligado akong kumita ang account natin ay hindi ko naman hawak ang buong sitwasyon kaya hindi ko maipapangako na tayo ay kikita sa bawat trade at lalong hindi ko maipapangako na hindi masusunog at hindi matatalo ang buo mong puhunan. Tandaan: Hindi imposible na matalo ang buo mong puhunan. Kaya dapat handa kang matalo ang buo mong puhunan kung sakaling papasukin mo ang negosyong ito.

Obligasyon ko ang kumita tayo kung pede lang eh araw araw pero higit sa lahat eh obligasyon ko din ang ipaalam sayo at ipaunawa sayo ang panganib na pedeng matalo ang buo mong puhunan kung sakali na hindi ako palarin sa aking mga trades – para wala tayong sisihan sa bandang huli.

ANG OBLIGASYON MO

Ang obligasyon mo ay i-monitor ang account mo. Kahit anong “Busy” mo sa ginagawa mo, kailangan mong bigyan ng panahon na i-monitor ang account mo kahit ilang minuto lang sa isang araw. Kung busy ka sa trabaho, sigurado namang may ‘break-time” ka so ito ang oportunidad para silipin ang account mo sa pamamagitan ng iyong smartphone kung may kita naba tayo o wala at kung may kita na at walang open trades eh kailangan mo ng ipadala ang share ko sa loob ng 24 oras.

Ang isa pang obligasyon mo ay ang tignan kung may mahalaga akong mensahe sayo. Sa ngayon, ang private messaging system sa Facebook ang pinakamablis na paraan para tayo ay magkaroon ng komonikasyon kaya dapat ay may fb account ka para dito tayo mag usap. Dito mo ipapadala ang mga kailangan ko, dito mo din ako makokontak at dito din kita ime-message kung may gusto kong sabihin sayo kaya obligado kang i-monitor ang iyong fb account para sa mahahalagang mensahe ko.

   I-CLICK ITO PARA MAKONTAK AKO SA FACEBOOK

Panghuli, ang facebook ay hindi natin pag-aari. Maaaring sa mga susunod na araw ay bigla nalang i-disable ng facebook ang ating fb account. Kung magkaganun man, ang email ang pinaka huling linya ng ating komonikasyon. maaari mo akong makontak sa aking email address gamit ang “Contact Form” sa itaas ng website ko na ito.

Pero kung makikita mo pa ang aking fb account eh mas maganda na doon nalang muna tayo mag usap dahil mas mabilis ang communications natin sa facebook.

MagForex